HELP! PEOPLE THINK I’M FAG: How to Cope

Ay take it from me boys.

I have been that guy. So socially ostracized and alone.

There was once a time that a whole village was non-sympatiko to me.

Now there is one kind of ostracism all people of poor pathetic upbringing dread…

That ostracism brought about by a kind of thought. That ostracism brought about as people mistakenly think someone’s a fag.

Well, before we deal about coping with the situation, let’s clear a certain itsy bitsy fact first:

BEING A FAG IS NOT FUCKING WRONG.

Now that that’s cleared let’s go back to the dilemma that I assume some really straight boys are sufferin’ from:

that people might be thinking they’re gay.

You see, it’s not really what they think that makes us crazy but what they do as a consequence of that thinking.

We may be thinking in our heads that we wanna kill someone but as long as we’re not bringing that to reality, society won’t stir.

But the moment you stuck that serrated blade down the neck of your  enemy, that’s when society would go berserk calling you names you never dreamed of.

That’s were we enter. Here’s what you need to do and tell yourself:

5. Evaluate why they think that way.

Remember that society and all normal people categorizes consciously and subconsciously everything under the sun. That means they fit any straight guy they know in a ‘tray’ of straight guys that exhibit the same behavior. Think to yourself what these certain behaviors are and why is it that people think you don’t seem to be doing it. In cases like this, you need a trusted friend to tell you the honest truth. Maybe it’s in the way you speak. The tone of your voice. We don’t know. You should know that most people don’t have a hard time trying to fit in these trays because they are happy changing what they do to fit.

Nota bene: You should know that gender expression is different from gender identity. You should learn to be confident about your sexuality and not let people tell you how to be yourself or how to be straight.

4. Confidence.

Maybe people are just misinterpreting your lack of confidence into something homosexual. Maybe you stammer a lot. Maybe you hunch when you walk. Maybe the lack of confidence is too much that people are already thinking that you may be hiding something.

Nota bene: Homosexuality is not about loss of confidence. Don’t think that bringing confidence to homosexuals would make them straight. That’s pathetic and arrogant.

3. Don’t hate the gays.

Hey, if they are happy with being out then why should you dowse that just because people think you’re one of them.

Hatred often times translate to envy dears. We always hate people who can do what we can’t do.

On the other hand, maybe you really are gay and you just can’t accept it so you invent this silly scenario where you are the victim when in fact you’re just at war with your sexuality. In that case, don’t hate yourself.

2. Educate yourself.

Maybe this time you should really learn SOGI. You can always explain to people why they shouldn’t think that way. But you have to check item no. 3 first.

1. Love yourself.

As you discover who you really are and when you’ve found out what that is.. whether you’re straight or gay it doesn’t matter. What matter sis that you should love yourself. Don’t die in a cage of society morals you can’t even justify or explain.

There’s too much idea in this world and it’s your duty to be able to tell chaff from the grain.

Remember that as much as morals have to be holy, they must also be realistic.

The best way to complement this item is to check item no. 2…very well. So that’s it…hope you have a wonderful life living a little more realistic.

Sampung KLEE-SHEYS ng Pinoy Teleserye

Eto na ang MEGA-listahan ng mga bagay that we culturally share sa bawat isa bilang mga Pilipino.

Ang mga bagay na hinding hindi mawawala sa bawat teleserye.

YES.

OO.

Eto na ang nag-dedefine sa mga gusto nating makita at gustong abangan.

Eto na ang mga bagay na magsasabing Pinoy teleserye ang pinapanuod mo.

10. Sleeping Pills

Kahit siguro i-pause pa natin ay TV mahuhulaan parin natin kung ano ang back story ng isang babaeng nakahiga sa kama at lunod sa sleeping pills. Usually sila yung mga girlfriend ng mayayamang lalake na umiwan sa kanila para sa totoo nilang mahal. O kaya naman sila yung mga donyang hirap na hirap na sa pagpapatakbo ng pamilya. Anu man ang dahilan, lagi tayong may konklusyon na ang mga nagpapakamatay sa sleeping pills eh yung mga babaeng pathetically rich.

9. Erederas (Kwentong national burgis turned working class and then back to national burgis)

Yes. Yes. With the advent of Marimar at Maria la del Barrio nung 1990s hanggang sa Pangako Sa’yo at Ikaw Lang ang Mamahalin nung early 2000s at hanggang ngayon sa  Munting Heredera at pagrerecycle ng Maria la del Barrio (starring Erich Gonzales) lagi at laging may erederang mapagkakaitan ng kanilang rightful place. Ano ba ang gustong iparating ng konseptong ito? After 20 years of Philippine teleserye hindi parin maka get over ang mga Pilipino sa mga nawawalang eredera. At bakit ba lagi silang nawawala?

8. Poor Girl-Rich Boy

Nako, napaka-BASIC sa isang Pinoy teleserye ang econimic status ng bidang magkasitahan. Kailangan talaga parating sangkalawakan ang pagitan nito. At kailangan na yumaman muna si girl bago sila magkatuluyan nung guy. At anong implikasyon neto? Na kailangan ng pera sa pagmamahalan noh. AT least pinapaalala nito sa mga Pinoy na may ekonomikong kompromiso atng pag-ibig na hinding hinding hindi dapat balewalain or else walang magaganap na istorya.

7. Very Usually a Love Story

Nakakita na ba kayo ng teleserye na walang love story? Yung puro friends lang? Walang nagkakatuluyan. Parang ang hirap i-imagine noh? Pano kaya tatakbo ang istoryang ganon? Well, in the 20 yeras of my existence I would say never pa ‘kong nakapanood ng maski anong teleserye na walang love story.  Mauuna pa atang makatama sa lotto ang presidente ng Pilipinas bago mangyare yon.

6. Evil Rich Boy Mom and Girlfriend

HMMMMM. Hehe syempre echosera ang Mudra at current girlfriend ni Rich Boy ano. Kase nga naman this is called preservation of power. Bilang mayayayaman at mga okupante ng posisyon sa ibabaw ng trianggulo, obligasyon nila sa sarili nila ang panatiliin ang pagiging mayaman nila. Kaya naman ‘di mo sila masisising pigilan ang isang obvious na LOSE-WIN situation the moment na ma-inlove si RICH boy kay POOR girl. Hence, making them the evil rich mom and girlfriend.

5. Rich Good Mom/Dad looking for lost daughter

Aha. Yes. Sa bawat teleserye kailangan i-highlight ang mga magiging premyo ni poor girl para sa mga paghihirap niya. At jan papasok ang napakahalagang papel ng mga rich good mom/dad. Hindi magugustuhan ng mga manonood ang istoryang walang ganitong takbo sa huli dahil mangangahulugan yon na maaaring hindi rin mgakatotoo ang pangarap nilang yumaman. On the other hand, kaya siguro click na click ang papel na to sa mga teleserye kase deep inside gusto ng masa ang magkaroon ng nawawalang mayaman na magulang.  Aminin.

P.S. Usually namamatay ang mga ito sa huli ng istorya dahil sinalo nila ang balang papatay sana kay Poor Girl. Madali silang mamatay ‘di kagaya ng mga kontabida.

4. Kasalang Tinututulan

And at that very moment. Kung saan sasabihin na ni Poor Girl ang mga katagang “I Do” laging may mangyayareng kagimbal gimbal. Usually may sasabog. May magpapaputok o di kaya naman ay may uutot ng napakalakas. Ano pa man ang dahilan, hindi matutuloy ang kasal to be postponed some other time kung kelan patay na patay na patay na talaga ang kontrabida.

3. ‘Di mamatay matay na kontrabida

Buhusan moman ng asido.

Itulak mo man sa bangin.

Barilin mo man ng barilin.

Lagi at lagi silang babalik para i-terrorize ang bidang Poor Girl.

‘Di natin alam kung bakit nila nagagawang mag-aksaya ng napakaraming panahon para lang gawing impyerno ang buhay ng isang tao. Sa totoong buhay alam natin na ang mga taong may ganitong karakter ay nabebelong sa institusyon n Sisa. Alam natin na laging hindi maganda ang kamatayan ng mga kontrabida kung sakaling mamatay man sila. Usually napaka-painful ng kamatayan nila.

Pagkasunog.

Pagkakurente.

Nalaglag sa umiikot na Elesi.

Mga ganon.

2. MAHAHABANG DIALOGUES (bago dumating ang ambulansyang magliligtas sa mamamatay nang karakter)

Dapat talaga turuan na yang mga magiging bida na mag-administer ng First-Aid eh. Alam naman kasi natin na mega-haba ng dialogue nila sa mga taong mamamatay bago dumating ang ambulansiya. At kaya humahaba ang dialogue na ito dahil na rin sa mamamatay na karakter na kinukwento pa ang last will and testament niya with full citations and comments.

1. S.A.M.P.A.L.A.N.

Nako PAPATAY TALAGA ang mga Pinoy ‘pag walang sampalan.

Hinding hindi to mawawala. Tumatawid na ang SAMPALAN sa pagiging batas na hinding hindi dapat mawala ang sa kahit na anong Pilipinong teleserye. Nirerepresent nito ang mga tinatagong angst ng mga Pinoyt na hindi nila malabas. Kailangan talaga na makita ng masa ang mga eksenang to.

‘Auckland’ word irrelevant

Sa rurok ng usapin tungkol sa POLITEISMO art exhibit ni Mideo Cruz ay nasa rurok rin ang galit ko dun sa pakeelamerong org na i-tago na lang natin sa codename na: CHIVICHIPEE.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ba sila nakekeelam.

Siguro meron silang mega-need to always defend their beliefs.

I just don’t like it.

Art, to me, is about expression.

Rainbow Notebook 2

Last sem hindi ko naattendan ang pinakahihintay kong party, ang Beernaked 3: F.U.C.K. Kaya naman the next day wala na’kong ginawa kundi ang mag-drawing sa rainbow notebook ng lahat ng may patungkol sa na-miss na party.

Bakit ba ko hindi nakapunta?

Oo nga pala. Hindi ‘ko na-attendan ang party dahil sa pagpipilit kong maka-graduate within 3 1/2 years. 

By the end of the sem hindi ko kinaya ang pressure ng pagpupumilit ko. You see, para maatim ang challenge na ito kinailangan kong i-megaoverload ang final sem ko with 7 subjects plus a swimming class.

The moment na ma-receive ko ang e-mail ng adviser ko na next sem ko na lang daw tapusin ang thesis ko, nasabotage ako. Ang laki kasi ng pride ko eh.

Sinubukan kong lumuha ng basa pero tuyo lang talaga ang luha ko.

Simula non, nalaman ko kung ano ang limitasyon ko. Somehow, sa bawat nangyayari sa’tin na hindi natin gusto laging may consolation prize. At yun ay ang mga lesson na dapat nating matutunan.

Rainbow Notebook 1

Habang wala akong magawa sa STS1 class ko last sem ay nakita ko ‘to sa likod ng t-shirt ng isa kong classmate.Natawa ako. Isa itong pagtuligsa sa classic riddle ng “egg and chicken”.Para sa’kin isa ang komedya sa mga mabibisang paraan para mabigyan ng kompromiso ang mga problema natin sa buhay.Malaki ang tiwala ko sa Laughter.

Easter Kuneho

Siguro isa lang ang itatanong mo sarili mo tuwing Easter. Isang bagay na nanjan lang sa tabi-tabi at kitang kita nating lahat. Bagay na dahil sa sobrang common ay hindi na natin magawang kwestiyonin.

Bakit may kuneho tuwing Easter? At bakit sa lahat ng pwedeng kolektahin ay itlog ang na-tripan niya?

Anong meron sa itlog at sa egg-hunting? At bakit Easter pa ito ginaganap?

Nasanay na’kong i-celebrate ang Easter kaakibat ng kunehong ito. Katulad ni Santa Claus na nakikihati rin kay Jesus Christ sa pasko, ang kunehong ito ay pakihati rin. Ano ba ang papel nila? ANO?

Limang (5) LANDAS tungo sa IKA-WAWAKSI ng HIYA

                                                                                                              Photo taken from: http://live.drjays.com

 

OKAY. Lahat tayo dito sa Pilipinas ay aminado na ang hiya ay isang integral na salik sa pag-andar ng lipunan. Resulta ito ng mga bagay na ayaw nating malaman ng ibang tao. Sa tamang dahilan, mainam rin naman na nakakaramdam tayo ng hiya. Pero minsan, hiya rin ang pumipigil sa’tin na gawin ang mga bagay na gusto natin. Lampas 20 na ang edad ko, at nangangahulugan ‘yan na lampas na rin ako sa estado ng buhay kung saan nagpapasailalim ng bongga ang tao sa mga nai-diktang standards ng pagiging sibilisado (aka may sarili na’kong mga prinsipyo ngayon) kaya naman minarapat kong sumulat ng kaartehan nanaman today para makatulong sa mga kapwa ko Filipinong nahihirapang iwaksi ang kanilang mga hiya.

                                                                                                                                                                Photo taken from: http://www.graphicshunt.com

 

Alam ng mga friends ko na buong buhay rin akong naging prisoner of insecurity dahil sa pagiging overweight ko (na medyo tumatawid na sa obese). Dahil diyan napilitan akong mag exercise at magdiet ng bongga back in high school at pumayat ng konti pero nang mag-college ako eh lalong dumoble ang size ko. Pero dahil sa diskriminasyong naranasan ko nuong nakaraan ay nahinog sa utak ko ang kaisipan na hindi dapat maging hadlang pagiging mataba sa mga bagay na gusto kong gawin. Kaya nga naman kahit overweight ako ay tinahak ko pa’rin na makaregister sa mga PE class na gusto ko (running, badminton at swimming), sa kabila ng hiya na baka ma-expose ang chubiness ko lalong lalo na sa swimming. Take note: 2.00 ang final grade ko sa swimming at commendable na ‘yan (for me) para sa isang lalakeng over 200 pounds with a 45 inch waistline.

                                                                                                                                                                                    Photo taken from: http://www.harmonyhealth.us

DISCLAIMER: Hindi ko sinasabi na isa akong tao na walang hiya. Ang punto ko lang ay hindi tayo nararapat mabuhay sa hiya at lalong lalo na na hindi dapat pinipigilan ng hiya ang mga bagay na gusto nating gawin. Kaya naman heto ang limang landas para i-waksi ang HIYA, Note na hindi ito garantiya na ang hiya ay mawawaksi. Laging tandaan na ang hiya ay natural na pakiramdam para sa isang tao. Senyales ito ng pagiging normal. Hangad lamang ng sulating ito na patawanin kayo at siyempre, bawasan ang hiya niyo.

                                                                                           Photo taken from: http://blog.twelve-thirteen.com

 

NUMBER ONE. Maging SOSYALERA (kahit kunwari lang)

Note na ang taong mayaman ay may kaunting hiya. Ang ikinahihiya lang nila sa buhay ay ang katotohanan na may taong mas mayaman sa kanila. Isipin niyo na lang itong pinay celebrity na ito na magiging star sa paparating na telesrye ng ABS na itatago natin sa pangalang ” Gretel Bar of the Philippines” o GBP. Alam nating lahat na si GBP ay isang dakila at dalisay na kabit. Pero nagtatago ba siya? Umiiwas ba siya na ma-expose sa media? Of course not! And that is simply because she is well above those that criticizes her, economically.

                                                                                                                      Photo taken from: http://earthsreview.blogspot.com

NUMBER TWO. We all know this: ALCOHOL

Syempre ‘di mawawala ang alcohol sa listahan ano! I tell you, kung alcohol virgin ka, it works wonders ha. Siyempre drink in moderation ano. Ayaw mo naman siympre na mauwi sa sakit or addiction. Malaki ang papel ng alcohol tuwing puma-party ako. Ito ang dahilan kung bakit nagagawa kong makipagshowdown with other people sa dancefloor.

                                                                                  Photo taken from: http://missbrittanynicole.com

NUMBER THREE. Kausapin ang SARILI

Naranasan mo na ba ‘yung mabara? O kaya naman ay mapahiya dahil sa ibang tao na kinakausap mo naman ng matino pero ayaw ibalik sayo ang favor? Worry no more. WHY? Because may makikinig sayo… Wala nang iba kundi ang sarili mo. Alalahanin lamang na hindi lahat ng bagay ay pwede mong ikwento sa sarili mo. Halimbawa, kung crush mo si ganto, ‘wag mo isusumbong sa sarili mo kasi personal mong impormasyon yun eh tapos ikukwento mo sarili mo? O kaya naman kung natatae ka, ‘wag mo nang i-reaffirm sa sarili mo, mahiya ka naman baka kumakain ang sarili mo tapos dadaing ka ng tae. Siguro naman ay malinaw na kung ano ang mensahe ng numerong ito: Mandaluyong (loob).

NUMBER FOUR: Brutal de Amor

Meron akong kakilala na naniniwala sa pamamaraang Brutal de Amor pagdating sa pagwawaksi ng hiya. Siya ay isang estudyante ng chemical engg sa UPLB na isang speaker nung high school kami. Sabi niya ang frequent na exposure sa maraming tao  sa loob ng maraming taon ang dahilan kung bakit meron siyang 10 inch fiber glass reinforced galvanized steel sa mukha niya. In a way. ito rin ang dahilan kung bakit ko kinaya ang swimming class ko. alam kong pagtatawanan ako ng mga tao kapag nakita nila akog naka-cycling shorts at nagwawarm-up sa tabi ng pool habang nagyuyugyugan ang sangkatabaan, pero sabi ko na lang sa sarili ko: Kapag lumubog ang barko, mageenjoy ako at hindi magiging praning katulad nung dalawang magsyota na nakita ko sa TV.

                                                                                                                                                  Photo taken from: http://heartballoons.tumblr.com
                                                                                                         Photo taken from: http://coolingtower-design.com

NUMBER FIVE. ‘Di nakakamamatay ang MAG-YABANG

Alam naman nating masarap magyabang! It makes us feel good that there are certain things we have that others lack. So why not use it as self-theraphy right? Basta ‘wag niyo lang akong sisisihin kapag naging pablic enemy number one ayo dahil sa bubuuin niyong industrial fan. Natry ko na rin itong landas na ito eh, pero hindi nag-work for me dahil hindi na talaga mapigilan ang pagyayabang ko. As in! Inenjoy ko talaga ang kayabangan. Sana ‘wag niyo ko gayahin. Katuad ng alcohol, dapat in moderation lang. At tsaka magtaray ng naayon sa itsura sabi nga ni Alessandra de Rossi. ____________________________________________________________________AYAN. Sana nakatulong akong paligayahin kayo kahit konting sandali at sana me napulot kayong eklaber sa sulating ito. Nawa’y maging walang hiya ang lahat ng tao at mamuhay ng masaya at walang regrets. Chiao! ;0)

What are templates for?

LARAWAN GALING SA: http://news.bbc.co.uk

Naisip ko lang ang konsepto ng pagdadasal today. Narealize kong isa ang pagdadasal sa mga pangunahing aktibidades ng isang mananampalataya. Mahalaga ito dahil pamamaraan ito upang kumonekta ng diretso sa isang pinaniniwalaang diyos o entity.

LARAWAN GALING SA: http://cbcpforlife.com

Kaya naman nang maalala ko ang ilan sa mga karaniwang dasal na binibigkas ng majority sa Pilipinas eh napaisip ako…

LARAWAN GALING SA: http://www.geotayo.com

Naisip ko lang… Bakit ba meron tayong pagkadami-daming ready-to-wear na dasal gaya ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Lualhati*. I mean, do we really mean them when we say ’em? ‘Di ba’t nagiiba-iba ang motibo natin sa pagdadasal araw-araw at yon ay dahil sa nagiiba-iba rin tayo ng sitwasyong nararanasan. Kaya naman naisip ko lang kung bakit kailangan natin ng mga template na ito sa pagdadasal. Bunga ba ito ng indecent affair ng simbahan at merkantilismo? Kailangan bang i-quantify ang mga dasal at kailangan nila ng template? ‘Yun lang. :0)

LARAWAN GALING SA: http://www.alibaba.com

*sa mga dasal na ito lamang ako pamilyar eh. pasensya na kung hindi ko matuligsa ang lahat ng relihiyon sa Pilipinas